𝟕𝟓 𝐈𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦.
Masayang nagtapos ang 75 na Trainees sa ilalim ng BSP- TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok Tungo sa Pag-angat ng Bangsamoro at BSP sa Ilalim ng Balik Barangay ika-6 ng April 2024 araw ng Sabado sa may HBSAT Campus, Asturias, Jolo, Sulu.
Ang mga naturang iskolars ay nangtapos ng kanilang pagsasanay sa Hadji Butu School of Arts and Trade sa kwalipikasyong Motorcycle/ Small Engine Servicing NC II at Dressmaking NC II at Overhaul Small Engine leading to Motorcycle/Small Engine Servicng NC II.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Sulu Provincial Office sa Pamumuno ni Officer-In-Charge nasi Ginnong Glenn A. Abubakar ang nasabing program na kung saan tumanggap ang mga iskolars ng kani-kanilang sertipiko na patunay ng kanilang pagtatapos at tinanggap din ng mga ito ang kanilang Training Support Fund. Habang tumanggap din ng Starter toolkits ang sumailalim sa Overhaul Small Engine bilang bahagi ng Programa ng Balik Barangay sa ilalim ng BSP-kapakanan.
Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga nakapagtapos sa mga benepisyong natanggap nila maging ang pamunuon ng Institution sa pamumuno ng Officer-In-Charge na si Ginang Rosema Lukman.