𝐓𝐄𝐂𝐇𝐍𝐈𝐂𝐀𝐋-𝐕𝐎𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 (𝐓𝐕𝐄𝐓) 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐄𝐑 𝐀𝐍𝐃 𝐓𝐄𝐂𝐇𝐍𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 – 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎𝐑𝐎 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐔𝐓𝐇𝐎𝐑𝐈𝐓𝐘 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘.
Maraming oportunidad ang magbubukas para sa Bangsamoro ang ikinasa ng MBHTE-TESD sa presentasyon nito sa mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) nitong araw ng lunes ika-8 ng Abril taong 2024.
Ang pagpupulong ay pinangunahan nina Bangsamoro Director General, Ruby A. Andong at Chief TESD Specialist, Faida H. Latip.
Layunin nito na mas mapalawak pa ang programang tekbok sa rehiyon at mabigyang-diin ang pangangailangan ng ibat-ibang komunidad pagdating sa Skills Training sa pamamagitan ng supurta ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).