𝟐𝟓 𝐈𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬, 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐒𝐚 𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐂 𝐈𝐈

Labis ang pasasalamat ng dalawampu’t limang (25) TESD iskolars sa pagkakataong makapagsanay ng libre sa kwalipikasyon na Food Processing NC II sa Brgy. Malala, Datu Paglas, Maguindanao del Sur, BARMM.

Kaugnay nito, nagkaroon ng Training Induction Program noong April 4, 2024 sa Municipal hall, Datu Paglas. Sila ay sasanayin ng Technical Vocational Institute (TVI) na Ittihadun – Nisah Foundation, Inc.

Ito ay naging posible sa pakikipag – ugnayan ng Community Family Services International (CFSI), isang non – governmental organization sa MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office.

Ito ay sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET – Tulong Tekbok Para sa Bangsamoro.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *