𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐅𝐎𝐑𝐔𝐌, 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐀𝐁𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘, 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍
Sa pakikipag-tulungan ng opisyal at kawani ng MBHTE-TESD, isinagawa ang pangalawang yugto ng Caravan ng Regional TVET Forum noong ika-5 hanggang ika-6 ng Mayo taong 2024 sa Kasinnahan Hotel and Resort sa Isabela City, Basilan.
Ang aktibidad ay sumunod sa unang bahagi ng caravan na ginanap sa Tawi-Tawi. Dumalo sa pagtitipon si Bangsamoro Director General, Ruby Andong kasama ang mga opisyal ng Regional Office. Kasama rin sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa Technical Vocational Institutions (TVIs) ng Basilan maging ang kawani ng Basilan Provincial Office.
Ang mga paksa na tinalakay ay kinabibilangan ng regional compliance audit, updates sa program registrations at certifications, at isang talakayan patungkol sa Quality Management System para sa mga TVI’s.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang sektor ng teknikal na edukasyon at bokasyonal sa rehiyon.