𝐂𝐥𝐨𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐅𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐚𝐭 𝐒𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐊𝐢𝐭𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐈𝐧𝐝𝐢𝐠𝐞𝐧𝐨𝐮𝐬 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 (𝐈𝐏𝐬) 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚.

Noong ika-23 ng Hunyo 2024, matagumpay na nagtapos ang limampung Indigenous People (IPs) trainees sa qualification ng Basic Solar Installation sa Barangay Bus Bus at Tandu Bagua, Patikul, Sulu.

Ang pagsasanay na ito ay isinagawa ng Provincial Training Center-Sulu sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program (MBHTE TESD LEAD).

Masaya ring tinanggap ng mga trainees ang kanilang mga allowance, toolkits, at t-shirt bilang bahagi ng pagtatapos ng kanilang training.

Pinangunahan ni Engr. Abdul Ghefari K. Allama, center administrator ng nasabing training center sa Sulu, ang programa. Kasama rin sa mga dumalo ang mga opisyal mula sa bawat barangay.

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *