𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐮𝐚𝐠𝐞 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐢𝐭𝐮𝐭𝐞, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚.

Ika-24 ng Hunyo 2024, isang matagumpay na Mass Culmination Ceremony at pag-release ng Training Support Fund ang idinaos ng Regional Language Skills Institute – Zamboanga City Liaison Office (RLSI-ZCLO).

Ang mga trainees ay binubuo ng anim mula sa online training at isa mula sa face-to-face training sa Arabic Language and Saudi/Gulf Culture sa ilalim ng programang BSPTVET. Ang seremonya ay nakatuon sa dalawang batch ng Arabic Language and Saudi/Gulf Culture (1 online at 1 face-to-face), dalawang batch ng Basic Spanish na may iba’t ibang bokasyon, isang batch ng Basic Bahasa Melayu, at dalawang batch ng English Language and Culture.

Hinihikayat ang mga nagtapos na gamitin ang kanilang bagong kaalaman at kasanayan sa wika bilang sandigan at sandata sa kanilang susunod na mga hakbang sa buhay.

Sa pangunguna ni OIC-Center Administrator Abdulhakim T. Saiti Jr., patuloy ang RLSI-ZCLO sa kanilang misyon na magbigay ng dekalidad na edukasyon at pagsasanay upang mapalakas ang kakayahan ng bawat indibidwal na makibahagi at magtagumpay sa global na komunidad.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#RLSI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *