𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝟗𝟎𝟎 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐥𝐮.
Pormal na Dinaluhan ng Bangsamoro Director General ng TESD nitong araw ng Sabado ika-27 ng Hulyo, 2024. Ang Pagtatapos ng mahigit kumulang sa siyam na raang (900) iskolars na sumailalim sa iba’t ibang kwalipikasyon ng pagsasanay sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program (BSP) ng Technical Education Skills and Development na ginanap sa College of Technology Covered Court, Tanjung, Indanan, Sulu.
May kabuang bilang na anim na raan dalawampu’t limang (625) iskolars na nagsanay sa ibat-ibang pribadong Institution habang dalawang daan pitumpu’t limang (275) iskolar naman ng Provincial Training Center ng Sulu.
Kabilang sa mga kwalipikasyon ay mga sumusunod:
• Electrical Installation and Maintenance NC-III
• Driving NC-II
• Shielded Metal Arc Welding NC-II at NC-III
• Cookery NC-II
• Dressmaking NC-II
• Plumbing NC-II
• Technical Drafting NC-II
• Computer System Servicing NC-II
• Agricultural Crops Production NC-II
• PV System Installation NC-II
• Bread and Pastry Production NC-II
• Bookkeeping NC-II
Dumalo rin ang Member ng Executive Committee of Basic Education ng MBHTE , Ammier M. Dodo kasama sina Matarul M. Estino na membro ng Bangsamoro Parliament, Kinatawan ng Regional Director ng NCMF R-IX-B, ilan sa mga membro ng PTESD-Sulu at mga Administrator ng iba’t ibang Training Institution sa lalawigan ng Sulu.
Nasundan din ang programa ng pamamahagi ng Training Support Fund sa lahat ng mga iskolar. Ito ang ikalawang pamamahagi ng Training Support Fund ng pamunuan ng TESD-Sulu Provincial Office matapos maipamahagi ang unang batch noong nakaraang Miyerkules ika-24 ng Hulyo, 2024.
#NoBangsamoroLearnersLeftBehind
See Translation