๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐’๐ˆ๐†๐๐ˆ๐๐† ๐Ž๐… ๐Œ๐„๐Œ๐Ž๐‘๐€๐๐ƒ๐”๐Œ ๐Ž๐… ๐€๐†๐‘๐„๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐€๐๐† ๐Œ๐๐‡๐“๐„-๐“๐„๐’๐ƒ ๐€๐“ ๐‚๐…๐’๐ˆ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐“๐„ ๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐“๐๐„๐‘๐’๐‡๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐˜๐„๐Š๐“๐Ž๐๐† ๐‚๐‹๐„๐

Nagsagawa ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education-TESD (MBHTE-TESD) ng signing of Memorandum of Agreement noong Agosto 12, 2024 na ginanap sa CFSI Operation Center sa Cotabato City. Ang kaganapan ay dinaluhan nina MBHTE-TESD Bangsamoro Director General Ruby A. Andong at Director II Jonaib Usman, kasama sina CFSI Director Noraida Abdullah Karim at Project Coordinator Alizain Tahir.

Ipinahayag ni BDG Andong ang kanyang taos-pusong suporta at pagpapahalaga sa mga nakamit na resulta ng CLEP project para sa mga itinalagang benepisyaryo.

โ€œNakikita ko ang proyektong ito bilang isang pagkakataon na nagbigay at patuloy na nagbibigay ng oportunidad sa mga benepisyaryo ng Bangsamoro,โ€ pahayag ni BDG Andong. โ€œMalapit na natin makamit ang ating mga layunin; kung hindi man lahat, ay tiyak na 80% nito.โ€

Samantala, ibinahagi rin ni CFSI Director Abdullah Karim ang kanyang opinyon tungkol sa kahalagahan at pakinabang ng mga kasanayan na isasakatuparan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng CFSI at MBHTE-TESD para sa pag-abot ng mga layunin ng proyekto at ang pagtiyak ng mas sustainable na resulta para sa mga benepisyaryo.

โ€œPersonal kong Nakita ang proseso ng paggawa ng harina sa UP Mindanao, kung saan lahat ng aspeto ng produksyon ay kapaki-pakinabang at may potensyal,โ€ sabi ni Director Abdullah Karim. โ€œKung ang mga kwalipikasyon ay maipapatupad, ito ay magiging malaking oportunidad para sa mga benepisyaryo.โ€

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagpirma ng MOA at pagkuha ng litrato bilang bahagi ng dokumentasyon ng kaganapan.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#CFSI-MBHTE-TESD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *