Matagumpay na nailunsad ang TRAINING INDUCTION PROGRAM sa (50) na magsasanay sa libreng training skills na handog ng TESD na ginanap sa Busikong Greenland Multipurpose Cooperative sa bayan ng Sitio Pirgwas, Barangay Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong Umaga ng Oktubre 5, 2021.
Ito ay sa pangunguna ni Maguindanao Provincial Director Salehk Mangelen, kasama ang kanyang Scholarship Focal na si Khominie Abas. Dumalo din si Kutawato Provincial Committee, Norodin Abdulrahman at Brigade Commander, Rafael Campong.
Ang mga nasabing magsasanay sa Barangay Labungan ay nabibilang sa dalawang grupo kung saan ang (25) na estudyante ay sasailalim sa isang pagsasanay para sa PLANT CROPS leading to AGRICULTURAL CROPS PRODUCTION NC II at (25) na estudyante naman para sa PRODUCE ORGANIC FERTILIZER leading to ORGANIC AGRICULTURAL PRODUCTION NC II.
Habang noong hapon ng Oktubre 5 naman ng parehong araw ay matagumpay ring nailunsad ang TIP sa Barangay Kibleg, Upi, Maguindanao. Ito ay dinaluhan ng ng (25) na magsasanay na siyang sasailalim sa pagsasanay para sa PRODUCE CONCOCTION AND EXTRACTS leading to ORGANIC AGRICULTURE NC II. Ito pa rin ay sa ilalim pa rin ng administrasyon ng Busikong Greenland Multipurpose Cooperative.
Tinalakay sa TIP ang mga benepisyo ng mga estudyante sa pagsisimula at pagtatapos ng trainings, ganon na din ang mga dapat and hindi dapat gawin habang sila ay nagsasanay. Nabanggit ni Ginoong Khominie Abas ang kahalagahan ng training skills at kalakip na mga benepisyo nito tulad ng LIBRENG mandatory assessment, LIBRENG TOOLKITS na para lamang sa (KAPAKANAN Scholars), LIBRENG internet allowance, LIBRENG allowance, at LIBRENG PPE’s (Personal Protective Equipment) na siyang magagamit nila sa kanilang pagsasanay.