Matagumpay na isinagawa ang QMS Calibration para sa mga empleyado ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office.

Sa paghahanda para sa nalalapit na Quality Audit sa Hulyo ay nagsagawa ng General QMS Calibration ang MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office noong June 02,2022 para sa mga empleyado ng opisina. Isinagawa nila ang programang ito upang magkaroon ng karagdagang kaalaman ang mga empleyado patungkol sa QMS o Quality Management System.

Naging pangunahing bisita ang mga empleyado mula sa Regional Office ng MBHTE TESD na sina Ms. Faida H. Latip at Ms. Queen Marie Martinez na nagbigay ng kanilang kaalaman at nagturo ng mga dapat na isagawa ng mga empleyado upang mas maging epektibo sa kani-kanilang mga responsibilidad sa opisina.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga empleyado sa oras at kaalamang ibinahagi ng mga bisita. Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang makapagbigay ng kalidad na serbisyo sa lahat ng mamamayan.

#mbhtemaguindanao

#QMSCalibration

#nobangsamoroleftbehind

#TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *