TIP at MOA Signing isinagawa sa pagitan ng MBHTE TESD Maguindanao at Philippine Red Cross-Cotabato Maguindanao

Lumagda ang Provincial Director ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office na si Salehk B. Mangelen kasama ang Chapter Administrator ng Philippine Red Cross-Cotabato Chapter na si Rosemelyn U. Gayong,RMT upang ipahayag ang mas pinagtibay na ugnayan ng dalawang opisina sa Memorandum of Agreement.

Kasunod ng naganap na lagdaan ay isinagawa ang TIP o Training Induction Program bago magsimula ang pagsasanay ng mga Trainees patungkol sa Driving NC II at CSS NC II na isinagawa sa Dollosa St., Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao.

Isinagawa ang TIP upang ipaalam ang mga responsibilidad ng mga magsasanay sa iba’t ibang qualifications. Ang programa ay kabilang sa BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok Pag-angat ng Bangsamoro kung saan magkakaroon sila ng libreng training, libreng assessment, VTT at training support fund allowance pagkatapos ng kanilang pagsasanay.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang TVI ng Darussalam Institute of Technology at Greater Impact for Tomorrow. Nagpahayag naman ng kooperasyon at kahandaan ang mga magsasanay.

#mbhtemaguindanao

#TIP#MOASigning

#BSPTVET

#TTPB

#nobangsamoroleftbehind

#TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *