80 na Decommissioned Combatants ang masayang nakatanggap ng Tool Kits
Ipinamahagi na ang Tool Kits ng mga Decommissioned Combatants na nagtapos ng Bread and Pastry Production sa Datu Paglas, Maguindanao. Ang mga tool kits ay kabilang sa programa ng EO-79 o Normalization Program kung saan nagkaroon din sila ng libreng training, libreng assessment, VTT at Training Support Fund allowance.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang TVI ng Datu Ibrahim Paglas Memorial College,Inc. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nakatanggap ng Tool Kits.
Inaasahang magkakaroon pa ng mga kasunod na pamamahagi ng Tool Kits ang mga kabilang na Decommissioned Combatants sa ilalim ng Normalization Program. Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang agad na mabigay ang lahat ng Tool Kits ng mga nagsipagtapos sa kani-kanilang pagsasanay upang magamit nila sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.