25 Trainees mabibigyan ng libreng Skills Training

Isinagawa ang Training Induction Program sa Brgy. Kusiong, D.O.S., Maguindanao para sa 25 Trainees na magsasanay ng Beauty Care NC II.

Ang mga trainees ay kabilang sa programa ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan sila ay mabibigyan ng libreng training, libreng assessment, VTT, at Training Support Fund pagkatapos ng kanilang pagsasanay.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao ang nasabing programa kung saan ipinaliwanag ang mga responsibilidad ng isang trainee sa gagawing pagsasanay. Katuwang din ang TVI ng VMC Asian College Foundation, Inc. sa pagsasanay na gagawin.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng kalidad na edukasyon at kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #TIP #BSPTVET #TTPB #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *