Mass Training Induction Program sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET katuwang ang Bangsamoro Youth Commission isinagawa sa Sulu.
100 na kabataan ang dumalo sa training induction program ng ibat ibang qualification sa ilalim ng BSPTVET noong July 11, 2022 sa Hadji Butu School of Arts and Trade, Asturias, Jolo Sulu.
Nakatakdang magsasanay ang 50 trainees sa Dressmaking, 50 sa Electrical Installation and Maintenance at 25 sa Plumbing NC II maliban sa skills training may tatlong araw din na training ng values transformation mula sa Bangsamoro Development Agency.
Ang mga napiling kabataang ay inindorso ng pamunuan ng Bangsamoro youth commision na kamakailan ay nagkaroon ng kasunduan ang MBHTE-TESD SULU at BYC para paigtingin ang partnership para sa welfare and development ng mga kabataan sa lalawigan ng Sulu.