Isinagawa ng RMDC ang 7-days fabrication ng Plant Stands at Tree Planting activity sa ilalim ng Green TVET Program.
MBHTE-TESD Regional Manpower Development Center Trainers ay nagtulungan upang makagawa ng fabrication ng Plant Stands at Tree Planting sa loob ng RMD Complex, Brgy. Rebuken Sultan Kudarat Maguindanao.
Ito ay sa pangunguna ni Mark P. Barber ang GREENTVET Focal ng RMDC. Ang mga basurang materyales mula sa Electrical Installation Maintenance NC II ang ginamit upang makagawa ng mga planter stand na magsusulong ng GREENTVET at Solid Waste Management.
Isa rin itong integrasyon ng GREENTVET sa iba’t ibang kwalipikasyon tulad ng Shielded Metal Arc Welding, Gas Metal Arc Welding at Electrical Installation Maintenance.
Patuloy parin ang pagtatrabaho ng RMDC Staff para sa ikabubuti ng Institusyon.