Tatlong araw na 2022 Provincial Skills Competition sa Lanao del Sur, nagsimula na.
Opisyal nang sinimulan ang tatlong araw na tagisan ng talento sa 2022 Lanao del Sur Provincial Skills Competition na ginaganap sa Faminanash Integrated Laboratory School Inc., Agosto 9, 2022.
Ang aktibidad ay pangangasiwaan ng mga empleyado ng MBHTE-TESD Lanao Del Sur Provincial Office at MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center katuwang ang iba’t ibang Technical Vocational Institutions (TVI) sa lalawigan.
Sa ginanap na maikling programa bago simulan ang mga patimpalak, nagbigay ng mensahe ang nagbabalik na Provincial Director ng MBHTE-TESD LDS Provincial Office Asnawi L. Bato kung saan malugod nyang binati ang lahat.
Kasama ang ibang participants mula sa iba’t ibang TVIs, lalahok din ang pambato ng MBHTE-TESD PCMDC sa Tile Setting na si Abdanie Dumagay.
Dumalo sa programa ang CEO ng Raheema Foundation Sittie Aisha Baicon C. Nuska at MBHTE-TESD PCMDC Administrator Insanoray Amerol-Macapaar na nagbigay rin ng mensahe at bilang pagpapakita ng suporta.
Ang kompetisyon ay magsisimula mula Agosto adiyes hanggang adose ng kasalukuyang taon. Ang mga isasalang na qualifications ay — Bakery, Tile Setting, It Networking, Welding, Carpentry, at Cookery.
Layunin ng aktibidad na maipamalas ang natatanging husay at kakayahan ng mga mag-aaral, mga nagtapos at alumni ng MBHTE-TESD sa mga larangang nabanggit.
#GanapSaPCMDC #ProvincialSkillsCompetition #TESDAAbotLahat #NoBangsamoroLeftBehind