Training Induction Program isinagawa sa Languyan, Tawi-Tawi

Isinagawa ang Training Induction Program sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP) 2022 nitong September 03, 2022.

Ang mga ito ay mag sasanay sa kwalipikasyong Masonry NC I, Tile Setting NC II, Carpentry NC II, Bread and Pastry Production NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II sa Languyan, Tawi-Tawi.

Kabilang sa STEP scholarship package ang libreng training, assessment, internet allowance, entrepreneurship, PPE convert to uniform at training support fund pagkatapos ng training.

Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin, staff at katuwang sa Technical Vocational Institute trainers. Nagpapasalamat naman ang butihing Provincial Director sa Maritime Police force at kay PCPl Benjamin K. Hadjiula sa pagtulong upang maihatid ang nasabing programa at kanilang guest na former councilor ng Languyan na si Hon. Hji.Nursidy Tambutoh,, Samantala naman ang mga trainees ay nagpapasalamat sila’y nabigyan ng pagkakataon at napiling magsanay sa nasabing kwalipikasyon, ito’y dagdag kaalaman upang mapaganda ang kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *