7th Study Circle matagumpay na isinagawa sa MBHTE TESD Maguindanao PO

Isa sa mga hakbang na ginagawa ng opisina upang maisakatuparan ang isa sa mga layunin nito na maging mabuting ehemplo ay ang pagkakaroon ng Study Circle.

Isinagawa ang Study Circle sa MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office para sa mga babaeng empleyado kung saan ang naging paksa ay patungkol sa “Basic Arabic Literacy, Reading and Writing” kung saan natuto ang mga empleyado ng mga pangunahing letra at pagbasa sa Arabic Language.

Inimbitahang speaker si Ma’am Umayyah B. Abdulmanan sa nasabing paksa at nagpasalamat naman ang mga nagkaroon ng panibagong kaalaman.

Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang mas maging mabuting empleyado pa na makapagbibigay ng kalidad na serbisyo.

#mbhtemaguindanao #StudyCircle #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *