121 trainees sa ilalim ng Special Training for Employment Program ng MBHTE TESD
121 trainees sa ilalim ng Special Training for Employment Program ng MBHTE TESD Tawi-Tawi ang nakatanggap ng kani-kanilang Toolkits sa Languyan, Tawi-Tawi noong September 10, 2022.
Sila ay nagtapos ng kwalipikasyong Carpentry NC II, Bread and Pastry Production NC II, Shielded Metal Arc NC I, Masonry NC I at Tile Setting NC II. Naging matagumpay ang pamamahagi ng Toolkits sa mga trainees sa pamumuno ni Provincial Director Maryam Nuruddin at sa tulong at suporta ng Mayor ng Languyan na si Abduhasan I. Sali na tumulong upang maihatid ang mga toolkits.
Nagpapasalamat ang mga trainees sa kanilang mayor na sila’ay nakatanggap sa nasabing programa at nagpapasalamat din ang trainees sa TESDA National at MBHTE-BARMM para sa oportunidad na hatid ng STEP para mapabuti ang socio-economic status ng mga mamamayan ng Tawi-Tawi.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Hon. Abduhasan I. Sali, Mayor ng Languyan, kanyang mga Councilors at iba pang kasamahan.
#TESDAbotLahat #nobangsamoroleftbehind #parasaToolkits #STEP2021