45 na Trainees matagumpay na nagtapos sa ilalim ng BSPTVET TTPB

Masayang nagtapos ang 45 na mga Trainees sa kanilang pagsasanay sa Driving NC II at CSS NC II sa Brgy. Labu-labu, Shariff Aguak, Maguindanao. Sila ay mga napiling benepisyaryo ng Philippine Red Cross at MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office katuwang ang TVI ng Greater Impact for Tomorrow, Inc. at Darussalam Institute of Technology, Inc.

Ang nasabing programa ay nakapaloob sa BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET-Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan sila ay nabigyan ng libreng pagsasanay, libreng assessment at TSF allowance na ipinamahagi din sa parehong araw.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nagkaroon ng kalidad na kasanayan at edukasyon na kanilang magagamit sa pagtatrabaho o sa pagsisimula ng maliit na negosyo.

#nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *