890 Trainees sa ilalim ng ibat-ibang scholarship program ng TESD
890 trainees sa ilalim ng ibat-ibang scholarship program ng TESD ang nakapagtapos at nakatanggap ng kanilang training certificates at training support fund sa isinigawang Closing Program sa MBHTE (DepEd) Gymnasium Bongao, Tawi-Tawi nitong September 15, 2022.
Ang mga trainees ay benepisyaryo sa ilalim ng Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro (TTPB) na kabilang sa scholarship package ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET, Special Training for Employment Program (STEP) at Training for Work Scholarship Program 2021 (TWSP).
Sila ay nagtraining sa ibat ibang TVI sa probinsya at nakapagtapos sa mga sumusunod na kwalipikasyon:Bread and Pastry Production NC II, Shielded Metal Arc NC III, Technical Drafting NC II, Computer Systems Servicing NC II, Agricultural Crops NC I, Agricultural Crops NC II, PV Installation NC II, Carpentry NC II, Dressmaking NC II, Perform Multiple Plumbing Installation, Service Motorcycle, Bread and Pastry Production NC II, Support Agronomic Crop Work, Support Nursery Work, Plaster Concrete/Masonry, Dressmaking NC II, Masonry NC I, Shielded Metal Arc NC I, Cookery NC II, Tile Setting NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Cake Making, Security NC II.
Naging matagumpay ang closing ceremony at pamamahagi ng training support fund sa mga trainees at special clients sa pamumuno ni Provincial Director Maryam Nuruddin at nagpapasalamat ang Provincial Director ng MBHTE-TESD, Tawi-Tawi.
Guest speaker sa nasabing programa ang Provincial Governor ng Tawi-Tawi si Hon. Yshmael “Mang” I. Sali at kanyang mga kawani, BYC commissioner, TVET President of PWDs at PWDs Focal person, Board Members,TVI administrators at trainers.
Nagbigay din ang Provincial Governor ng twenty-thousand (P20,000) sa limang trainees na kabisadong kinanta ang BARMM Hymn.