Re-echo Worskhop ng 21st Century Skills para sa NC I, NC II isinagawa ng Regional Manpower Development Center.
Nagkaroon ng Workshop on the Assessment of the Delivery and Content of Work Readiness Modules on 21st Century Skills for NC I and II sa Regional Manpower Development Center, Brgy. Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ang seminar na ito ay tungkol sa mga modyul na makakatulong sa paghahanda ng mga kabataan sa paglipat sa karagdagang edukasyon at pagsasanay pati na rin ang pagbibigay sa kanila ng kaalaman at kasanayan na kinakailangan upang matagumpay na makahanap ng trabaho o magsimula ng kanilang sariling negosyo.
Tinutugunan ng curriculum ang TESDA Competencies para sa 21st Century Skills.