91 trainees sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET
91 trainees sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET, Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro (TTPB) at Special Training for Employment Program (STEP) 2021 ang nakapagtapos at nakatanggap ng kanilang training certificates, training support fund at toolkits sa isinigawang Closing Program sa Sheik Mukhtar Makdum Institute of Technology, Sibutu, Tawi-Tawi nitong September 18, 2022.
Nakapagtapos ang mga ito sa TVI ng Sheik Mukhtar Makdum Institute of Technology,Inc at DZAJ Tawi-Tawi Technological Institute, Inc sa probinsya sa mga sumusunod na kwalipikasyon: Dressmaking NC II, Carpentry NC II at Electrical Installation at Maintenance NCII.
Naging matagumpay ang closing ceremony at pamamahagi ng toolkits at training support fund sa mga trainees sa pamumuno ni Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin, School Administrator Abubakar Dawila at Ma’am Shirley Dawila. Nagpapasalamat ang Provincial Director ng MBHTE-TESD, Tawi-Tawi. Ang nasabing programa ay dinaluhan ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi PD, Staff, school administrator, at trainers.
Nagpapasalamat naman ang mga grumaduates dahil sa kanilang natanggap mula sa TESDA at MBHTE-BARMM.