19 na Trainees matagumpay na nagtapos sa ilalim ng BSPTVET
Isinagawa ang Graduation Ceremony na sinabayan ng pamamahagi ng TSF allowance ng mga nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II sa Farasan Institute of Technology, Inc. na matatagpuan sa Upper Capiton, D.O.S., Maguindanao.
Ang mga nagtapos ay kabilang sa BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan nagkaroon sila ng libreng kasanayan, libreng assessment, VTT at Training Support Fund allowance na ipinamahagi sa parehong lugar.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga nakapagtapos sapagkat nagkaroon sila ng kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
#mbhtemaguindanao #GraduationCeremony #BSPTVET #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat