105 na Decommissioned Combatants na kabilang sa STEP sumailalim sa TIP

Para masimulan ang pagsasanay ng 105 na Decommissioned Combatants na kabilang sa STEP o Special Training for Employment Program ay isinagawa ang Training Induction Program upang talakayin ang mga paghahandang kailangan gawin ng mga magsasanay.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa na ginanap sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao. Ang mga kabilang na TVI ay ang Foureych Technical Vocational Learning Center na magsasanay ng 20 Trainees para sa Carpentry NC II at 20 din para sa Bread and Pastry Production NC II.

Kabilang din dito ang TVI ng Ittihadun Nisaโ€™ Foundation na magsasanay ng Cookery NC II sa 20 Trainees, 25 Trainees din para sa Dressmaking NC II na magsasanay sa Darussalam Institute of Technology at 20 naman ang magsasanay ng Electrical Installation and Maintenance NC II sa Ebrahim Institute of Technology.

Nagbigay suporta din ang J4 Logistics and Supply office, ng Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao, BARMM sa nasabing programa. Nagpahayag ng pasasalamat ang mga magsasanay sa ibaโ€™t ibang kwalipikasyon sapagkat magsisilbi itong pag-asa sa kanila na makamit ang kaunlaran.

#mbhtemaguindanao #TIP #STEP #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *