TIP isinagawa para sa 40 na Decommissioned Combatants sa ilalim ng STEP

Sa pagsisimula ng pagsasanay ng 40 na Decommissioned Combatants ay isinagawa ang Training Induction Program sa ilalim ng programa ng STEP o Special Training for Employment Program kung saan magkakaroon ng libreng pagsasanay, libreng assessment, tool kits at TSF allowance.

Ang mga Decommissioned Combatants ay magsasanay patungkol sa Animal Production (Poultry Chicken) NC II sa TVI ng Upi Agricultural School at Bread and Pastry Production NC II sa TVI ng Foureych Technical and Vocational Learning Center, Inc.

Ang nasabing programa ay isinagawa sa Kutawato Provincial Committee Hall, Brgy. Kurintem, Maguindanao na pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office. Nagpahayag ng kooperasyon at pasasalamat ang mg nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng libre at kalidad na kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #TIP #STEP #nobangsamoroleftbehind#TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *