Bilang parte ng selebrasyon ng “49th Kamahardikaan sin Tawi-Tawi” nagsagawa ng Charity Bakeshop ang MBHTE TESD Tawi Tawi Provincial Office
Bilang parte ng selebrasyon ng “49th Kamahardikaan sin Tawi-Tawi” nagsagawa ng Charity Bakeshop ang MBHTE TESD Tawi Tawi Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin katuwang ang kanyang Staff at trainers sa Bread and Pastry Production nitong September 23, 2022 sa Simunul Tawi Tawi.
Layunin ng Charity Bakeshop na mabigyan ng libreng tinapay sa mga dumalo sa selebrasyon at sa iba’t-ibang municipality representatives na lumahok sa araw na iyon kasama din sa nabigyan ang mga Badjao sa Barangay Bagid. Ito din ay isang paraan upang ipamalas ang galing ng mga tvet trainers sa pagluluto ng masasarap na tinapay.
Ang charity bakeshop ay namimigay ng tinapay tuwing madaling araw mula sa araw ng Biyernes hanggang sa Martes.
Nagpapasalamat ang butihing Provincial Director ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi sa mga tumulong sa kanya upang maging matagumpay ang nasabing programa nila na isinagawa sa Simunul.
#TesdaAbotLahat #49thKamahardikaansinTawi-Tawi #MBHTE-TESDTawi-Tawi