1,859 na mga residente ng Patikul sa Sulu ang dumalo sa Induction Program na isinagawa ng MBHTE TESD Sulu
1,859 na mga residente ng Patikul sa Sulu ang dumalo sa Induction Program na isinagawa ng MBHTE TESD Sulu nitong September 20,2022 sa covered court ng Taglibi, Patikul, Sulu.
Ang mga residente ay mabibigyan ng skills training sa ilalim ng BSPTVET Kapakanan Scholarship Package. Ang pagbibigay ng libreng skills training ay bilang pagsuporta sa Balik Barangay Program ng Patikul kung saan ang bawat Internally Displaced Peson (IDP) ay mabibigyan ng tsansang matuto ng skills na makakatulong sa kanilang paghahanap buhay.
Dumalo sa programa ang butihing alkalde ng naturang lungsod at ang mga kapitan ng labing isang barangay na kasali sa Balik Barangay program.