Pumirma ng Memorandum of Understanding ang MBHTE TESD Maguindanao at Support to Bangsamoro Transition (SUBATRA) nitong September 30, 2022.

Kabilang sa proyekto ang MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office, na dinaluhan din ng tatlong TVI. Ang mga TVI na kabilang ay ang Ittihadun Nisa Foundation, Inc., Al-Mani Farmers Marketing Cooperative at ang Illana Bay Integrated Computer College, Inc. na magiging katuwang sa pagbibigay ng kalidad na kasanayan sa mga napiling benepisyaryo ng BDA at SUBATRA.

Isinagawa ang nasabing pagpipirma sa opisina ng Bangsamoro Development Agency, Inc. bilang patunay ng kooperasyon ng bawat kabilang na ahensya sa matagumpay na pagsasagawa ng programa. Layunin ng MOU na mas palawakin pa ang sakop ng paghahatid ng kalidad na edukasyon at kasanayan sa mga nangangailangang mamamayan. Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya sa pagbibigay ng kalidad na kasanayan.

#nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *