Bilang parte ng Free Scholarship Training, Ang Cotabato City District Office (CCDO) ay nagsagawa ng limang (5) araw na scholarship monitoring sa mga TVIs
Bilang parte ng Free Scholarship Training, Ang Cotabato City District Office (CCDO) ay nagsagawa ng limang (5) araw na scholarship monitoring sa mga TVIs nito simula noong September 19-23 taong kasalukuyan.
Ito ay isinagawa upang aktwal na masubaybayan ang mga nagsasanay sa kani-kanilang mga institusyon. Kasabay din ng scholarship monitoring na ito ay ang pamamahagi ng SGC (Scholarship Grant Certificate) sa mga trainees.
Ang mga trainees ay sa kasalukuyang sumasailalim sa mga pagsasanay ng;
Agricultural Production NC-II
Bread & Pastry Production NC-II
Cookery NC-II
Carpentry NC-II
Driving NC-II
Food Processing NC-II
Masonry NC-II
Agricultural Production NC-II
Electrical Installation & Maintenance NC-II
Electronic Products Assembly & Servicing NC-II
Shielded Metal Arc Welding NC-II
Habang ang ibang kwalipikasyon ay nalalapit na sa pagtatapos ng kanilang mga training na siya namang susundan ng kanilang tatlong (3) araw na VTT o Values Transformation Training. Ang VTT ay idinisenyo upang mabigyang halaga ng bawat isa ang pagganap sa kanilang mga tungkulin bilang isang tao, anoman ang mga magiging propesyon nito, higit sa lahat sa konteksto ng pag-unlad at pagiging makatao. Binibigyang diin din dito ang paggalang sa iba anuman ang pagkakaiba sa pananampalataya, relihiyon at kultura nito.
#NoBangsamoroChildrenLeftBehind #TesdAbotLahat #MBHTETESD#CCDO