Naging matagumpay ang paglada ng MOA o Memorandum of Agreement sa pagitan nina MBHTE-TESD PCMDC, Mindanao State University at ng MSU College of Engineering – Division of Engineering Technology.
Naging matagumpay ang paglada ng MOA o Memorandum of Agreement sa pagitan nina MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Amerol-Macapaar, Mindanao State University System President Atty. Basari Mapupuno, at ni MSU College of Engineering – Division of Engineering Technology Director Johani Balt Andig, nitong November 8, 2022.
Nakapaloob sa MOA na ang bawat estudyante ng MSU COE-DET ay bibigyan ng libreng assessment ng MBHTE-TESD PCMDC kada semester, at maaari din gamitin ni MSU COE-DET ang mga tools at equipment ni MBHTE-TESD PCMDC. Nakapaloob din dito na ipapahiram ng MSU COE-DET ang kanilang school facilities para makapagbukas ng panibagong program registration ang MBHTE-TESD PCMDC.
Ang pakikipagsosyo sa iba’t ibang ahensya ang isa sa mga paraan ni Chief Macapaar upang matugunan ang kakulangan sa pasilidad ng ahensya, nang sa gayon ay lalo pang mapalakawak ang pagbibigay ng kalidad na skills training.