25 Trainees sumailalim sa TIP ng Food Security Program

Isinagawa ang Training Induction Program sa Brgy. Nuling, Sultan Kudarat,Maguindanao upang simulan ang pagsasanay ng 25 Trainees patungkol sa ACP NC II.

Sa pamamagitan ng ugnayan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ay naging possible ang Food Security Program kung saan magkakaroon ng libre at kalidad na kasanayan ang mga napiling benepisyaryo na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

Ang mga Trainees ay magsasanay sa TVI ng Eastern Kutawato Islamic Institute, Inc. ng 45 na araw upang maging mahusay sa kasanayan tungkol sa Agricultural Crops Production NC II.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *