TIP matagumpay na isinagawa sa ilalim ng Food Security Program

23 Trainees ang magsasanay ng Pest Management NC II sa VMC Asian College Foundation, Inc. Upang masimulan ang kanilang pagsasanay ay isinagawa ang kanilang Training Induction Program sa Poblacion, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Sa pagtutulungan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ay naging possible ang implementasyon ng programa upang makatulong sa mga magsasaka na magkaroon ng karagdagang kaalaman at kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang mas mapalawak pa ang sakop ng paghahatid ng libre at kalidad na kasanayan sa lahat ng mamamayan.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *