25 Trainees sumailalim sa TIP para sa Food Security Program

Isinagawa ang Training Induction Program sa Brgy. Sugadol, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao para masimulan ang pagsasanay ng mga Trainees sa ilalim ng Food Security Program.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform katuwang ang TVI ng VMC Asian College Foundation, Inc.

Ang mga napiling trainees ay magsasanay patungkol sa Organic Agriculture Production NC II kung saan sila ay magsasanay ng 32 na araw upang makumpleto ang mga kasanayang kanilang magagamit sa pagkakaroon ng trabaho o negosyo.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *