Training para sa Trainer’s Methodology Level 1
Sumailalim sa Training Induction Program ang mga magsasanay ng Trainer’s Methodology Level 1 (TM1) sa CCMDC (Cotabato City Manpower Development Center) kahapon lamang araw ng Nobyembre 10, 2022.
Mayroong 20 Trainees para sa TM1 ang CCMDC kung saan sasailalim ito sa 36 na araw ng training. Sa loob ng 36 na araw na ito ay magkakaroon din ng tatlong (3) araw ng VTT (Values Transformation Training) ang mga magsasanay kung saan dito ay maitatalakay sa mga trainees ang dapat at tama na pag uugali ng isang tao bilang empleyado.
Pinangunahan ng CCDO Scholarship Focal, Sittie Rahima D. Puntuan ang proper training orientation sa mga magsasanay. Tinalakay dito ang mga benepisyo, tuntunin at regulasyon sa nasabing Training Program.
Ang TIP ay itinuturing bilang unang pagdalo (attendance) ng mga trainees. Magsisimula na ngayong araw (Novemberc 11, 2022) ang Proper Training ng mga magsasanay sa Cotabato City Manpower Development Center.
#nobangsamorochildrenwillbeleftbehind #freetvetforall #GanapSaCCDO