Matagumpay ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng ahensyang MBHTE-TESD LDS Provincial Office at Philippine National Police LDS Police Provincial Office
Ang target na magsasanay sa kasunduang ito ay ang mga PNP officers/personnel, indigenous people, former rebels and other community members.
Layunin ng programa na makatulong upang mas dumami ang mabigyan ng oportunidad na matuto, makapagsanay at makapag-hanap buhay ang mga makakapagsanay dito.
Nakasaad sa Agreement ang mga sumusunod:
1. Education and Training
2. Trainers’ development
3. Facilities and Equipment-sharing for training and assessment
4. Competency assessment and certification.
Ang MOA signing ay sa pamumuno naman ni acting Provincial Director Police Colonel Jibin M Bongcayao, kasama naman sa dumayo sina Esmael N. Capampangan at PLTCOL Ansarey R Polog kahapon ng Miyerkules, ika -16 ng Nobyembre 2022 sa Lanao del Sur Police Provincial Office Multi-Purpose, Langcaf, Marawi City.