MBHTE-TESD LDS Provincial Office nag sagawa ng Training Induction Program

Sa Lumbayanague, Lanao del sur ay isinagawa ang Training Induction Program sa pangunguna ni Jaffar Hadji Basher sa dalawampu’t limang mag sasanay mula sa Mauyag Papandayan National High School sa kwalipikasyong Dressmaking NC II sa ilalim ng BSPTVET-TTPB.

Sa kabilang lugar naman, sa pangunguna ni Juhainah Macabinta ay nag sagawa din ng Training Induction Program sa kwalipikasyong Tile Setting NC II (25 scholars) at Electric Installation & Maintenance NC II (25 scholars) kung saan ang nasabing magsasanay ay mga drug surrenders, ito rin ay sa ilalim ng BSPTVET-TTPB na nagyari naman sa Langcaf, Marawi City.

At isinagawa din ang Training Induction Program sa Kalimudan sa Ranao Foundation, Inc. sa dalampu’t limang magsasanay sa kwalipikasyong Computer Systems Servicing NC II, kung saan sampo sakanila ay PNP personnel at ang sampo naman ay Morit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *