MBHTE-TESD Basilan Provincial Office nakiisa sa 1st Albarkaradjaan 2022

Sa pangunguna ni Mayor Jaydeefar Juk Lajid ang 1st Albarkaradjaan ay isinagawa kahapon December 1, 2022 sa Barangay Magcawa, Albarka Municipality, Basilan Province.

Lubos ang pasasalamat ng MBHTE-TESD Basilan PO sapagkat sila ay naging bahagi ng isa na namang makasaysayang pangyayari sa lalawigan.

Nakiisa ang ahensya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng on the spot registration at screening sa kwalipikasyong Agricrops NC II. Ang mga mapipiling qualified individuals ay sasailalim sa 43 days training na isasagawa sa Albarka Municipality mismo. Nagbahagi rin ng bakery outputs ang mga staff ng ahensya sa mga bata para na rin ishowcase ang kanilang programa.

Isang pagpupugay para sa Albarka Municipality mula sa MBHTE-TESD Basilan.

#TESDBasilan #MoralGovernance #NoBangsamoroLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *