Matagumpay na natapos ang tatlong araw na Values Transformation Training (VTT)

Matagumpay na natapos ang tatlong araw na Values Transformation Training (VTT) na nag simula nito lang ika-3 ng Disyembre at nag tapos ngayong araw Disyembre 6, 2022, kung saan ang mga iskolar ay inmates na may bilang na limampo sa kwalipikasyong Cookery NC II at Electrical Installation and Maintenance mula sa BSPTVET-TTPB 2022.

Ang nasabing programa ay pinangunahang ng MBHTE-TESD LDS Provincial Office kasama ang ilang empleyado ng Bangsamoro Development Agency o BDA at ito ay naganap mismo sa BJMP Malabang, Lanao del Sur.

Natuwa naman ang inmates dahil sa kabila ng lahat ay nagkaroon sila ng tsansang matuto at balang araw ay makapagbagong buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *