Training Support Fund (Allowance) sabay na ibinigay sa 1st Mass Graduation ng 425 na iskolar ng TESD CCDO
Matagumpay na nagtapos ngayong araw ng December 9 ang 425 na iskolars ng Cotabato City District Office sa ilalim ng pamamahala ng MBHTE-TESD BARMM. Ang seremonya ay ginanap sa Notre Dame RVM College of Cotabato Gymnasium, Sinsuat Avenue, Cotabato City. Labis ang galak ng mga magsananay dahil kasabay ng kanilang pagtatapos ay ang pamamahagi ng kanilang certificate of trainings at allowances.
Naging mas espesyal pa ang seremonya sa pagdating ng MBHTE Minister, Mohagher Iqbal kasama ang TESD Bangsamoro Director General, Ruby A. Andong, Minister for Indigenous People’s Affairs, Melanio Ulama at LTC Director Andolong Durado. Dito, nagkaroon ng pagkakataong magbigay ng kanyang mensahe at pagbati si minister Iqbal para sa mga nagtapos ng BSPTVET TTPB (Bangsamoro Scholarship Program for Technical Vocational Education and Training – Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro).
Sa kanyang mensahe sinabi ni Iqbal, “Today I congratulate you not only for the learnings and experiences acquired but even more so on new ideas in relation to cultural activity and technical skills training program”.
Dinaluhan din ito 11 Technical Vocational Institutes kung saan sumailalim ang 425 graduates ng CCDO. Kasama dito ang mga TVI Heads/Administrators, Staffs at Trainers.
#GanapSaCCDO #Nobangsamorochildrenleftbehind #TesdAbotLahat #OneMBHTE