𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘:
Pangarap ni Amarga Abdul na maging matagumpay at makapagtrabaho sa ibang bansa bilang isang welder, kaya namang agad siyang kumuha ng kursong Shielded Metal Arc Welding NCII at ito ang naging simula para maabot niya ang kaniyang pangarap.
Dahil sa kaniyang dedikasyon at pagpupursige, nakuha siya bilang welder sa Al-Kuhaimi Metal Industries sa Saudi Arabia. Matapos ang kaniyang kontrata doon ay nakapagtrabaho siya sa Canada at tumagal doon ng apat na taon.
Maliban dito ay tinutulungan din ni Amarga ang kapwa Pinoy na mayroong Shielded Metal Arc Welding NCII (SMAW NCII) na makapagtrabaho sa Canada. Hinihikayat ni Amarga ang mga kabataan na subukang mag-enroll sa tech-voc courses para sila ay magkaroon din ng skills, makakuha ng certificate at balang araw ay mabigyan ngoportunidad na maabot ang kanilang gusto sa buhay.
Dahil sa kaniyang mga narating ay ipinagmamalaki niyang siya ay isang skilledworker. Ang kaniyang pag-enroll sa tech-voc course at certificate ang katibayan kung bakit nabuksan ang ganitong susi ng kaniyang tagumpay.