4th Quarterly PTESDC Meeting isinagawa sa Basilan
Ang pang-apat at huling pagpupulong para sa taong 2022 ng mga kasapi ng Provincial Technical Education and Skills Development Committee ay isinagawa nito lamang Disyembre 23, 2022 sa lungsod ng Isabela sa mismong Provincial Capitol ng Basilan.
Sa tulong ng pagpupulong na ito ay naisakatuparan ang pagkakaroon ng sub-committees ng PTESDC at ang pag u-update ng ahensya sa status ng kanilang programang Food Security Convergence Program para sa taong 2022. Ayon sa nabanggit, mayroong kabuuang 744 slots ang maiaalok ng ahensya sa mga napiling benepisyaro ng programang ito.
Sila ay magsasanay sa kwalipikasyong Agricultural Crops NC I at NC II, Cookery NC II, Bread and Pastry Production NC II, Training on Goat Production/Raising and Disease Prevention & Control, Seaweed-Based Value-Added Processing, Deboning and Bottled Fish Production Training, Driving NC II, Carpentry NC II at Shielded Metal Arc Welding NC II.
Ang pagpupulong ay pinamunuan ni Governor Jim Hataman Salliman kasama ang co-chairperson nito na si Provincial Director Muida S. Hataman ng MBHTE-TESD Basilan katuwang ang Supervising TESD Specialist na si Mr. Yasher R. Hayudini, Provincial Head ng MOLE na si Ms. Amna Farrah A. Alihuddin, Cooperative Manager ng LARBECO na si Mr. Edilberto S. Martinez, Provincial Director ng MTIT na si Mr. Argie J. Sarco.
Kabilang din sa mga dumalo ang Hydro Operator ng BASELCO na si Mr. Alvin A. Mancenido, Provincial Director ng MAFAR na si Mr. Hanie A. Junuban, MACFI-VPAA/Representative of Academe Ms. Mary Rosevie I. Alamiya, at ang presidente ng ABICCI na si Mr. Asimin J. Sarikin.