Tool Kits ipinamahagi para sa Trainees sa ilalim ng STEP

Sa pagtatapos ng pagsasanay ng mga Trainees na nagsanay ng Carpentry NC II, Plant Crops, Bread and Pastry Production NC II, at Dressmaking NC II ay ipinamahagi na ang kanilang mga ToolKits.

Ipinamahagi ang nasabing mga ToolKits sa Brgy. Poblacion, Buluan, Maguindanao na pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office katuwang ang mga TVI ng Buluan Technical Educational School of Life, Inc., Goldtown Technological Institute, Inc., Maguindanao Institute of Technology and Learning Center, Inc., at Eastern Kutawato Islamic Institute, Inc.

Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga nakatanggap ng kanilang Tool Kits sapagkat magagamit nila ito bilang panimula sa pagnenegosyo gamit ang natutunan nilang kalidad na edukasyon at kasanayan sa kanilang skills training.

#nobangsamoroleftbehind #mbhtemaguindanao #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *