MBHTE TESD Sulu Provincial Office at Sulu Police Provincial Office lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA)
Lumagda sa isang MOA ang MBHTE TESD at Sulu PPO nitong January 24,2023 sa HBSAT, Campus, Asturias Jolo Sulu.
Saklaw ng Memorandum of Agreement ang kooperasyon ng dalawang ahensya na itaguyod ang karapatan at kapakanan ng publiko, lalo na ang marginalized na sector sa probinsya.
Sa ilalim ng MOA, ang MBHTE-TESD Sulu ay responsible sa pagsusuri at pagmonitor ng skills trainings ng mga benepisyaryo tulad ng mga sumuko sa pagggamit ng ilegal na droga, mga taong pinagkaitan ng kalayaan (PDL), at mga dating marahas na ekstremista (FVE) sa ilalim ng programang E-Clip.
Ang PNP Sulu Police Provincial Office naman ay magbibigay ng magbibigay ng listahan ng mga benepisyaryo at magbabahagi ng kagamitan para sa training at assessment, magbibigay din sila ng tulong panseguridad at magsasagawa ng koordinasyon sa mga concerned LGU kung sakaling kailanganin ang karagdagang logistic support.