𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗵𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗮𝗹𝗶𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗔𝗰𝗰𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗼𝗿𝘀, 𝗔𝗖 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝘀

Animnapu’t dalawang (62) Accredited Competency Assessors, AC Managers, TESDA Representatives at AC Processing Officers kabilang ang mga tauhan ng TESD Basilan Provincial Office ang lumahok sa dalawang araw na Regional Caravan na isinagawa ng MBHTE-TESD Regional Office. Pinangunahan ito ng Regional CAC Focal na si Ms. Hadiguia K. Nanding at Resource Person Mr. Alsultan B. Palanggalan nito lamang Pebrero 16-17, 2023 sa MBHTE-TESD Bldg., Basilan Government Center, Sta. Clara, Lamitan City, Basilan.

Sa unang araw ng calibration ay tinalakay ni Ms. Nanding ang Program Overview at Reiteration of TESDA Policies and Guidelines on Competency Assessment and Certification. Sa hapon naman ay tinalakay ni Mr. Palanggalan ang Competency Assessment Process na kung saan inisa-isa niyang tinanong ang mga participants tungkol rito.

Sa huling araw ng calibration ay nagkaroon ng Demonstration or Role Playing on the Conduct of Competency Assessment ang mga participants na kung saan natunghayan ng lahat ang step-by-step procedure kung paano magsagawa ng Competency Assessment.

Sa pagtatapos ng programa ay nabigyang linaw ang mga agam-agam at mga katanungan tungkol sa roles and responsibilities ng bawat isa patungkol sa Conduct of Competency Assessment. Naging matagumpay ang programang ito sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman kabilang ang TESD Basilan Staff, PTC-Basilan at pitong (7) TVIs sa probinsya

#TESDBasilan #OneMBHTE #MoralGovernance #NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *