Pinangunahan ng tanggapan ng MBHTE-TESD Sulu Provincial ang pamamahagi ng starter toolkits
Pinangunahan ng tanggapan ng MBHTE-TESD Sulu Provincial ang pamamahagi ng starter toolkits sa apatnapu (40) scholars para sa iba’t ibang kwalipikasyon sa ilalim ng 2022 STEP (Special Training for Employment Program). noong nakaraang Pebrero 23, 2023, sa HBSAT campus, Asturias, Jolo, Sulu.
20 ang nagtapos ng Cake Making leading to Bread and Pastry Production NC II habang 20 trainees naman ang nagtapos ng Prepare and Cook hot meal leading to Cookery NC II mula sa Sulu College of Technology.
Ang mga starter toolkit ay isa mga benepisyo ng STEP Scholarship Program. Ito ay upang matugunan ang mga partikular na skills need ng komunidad sa pamamagitan ng entrepreneurial, self-employment, at mga aktibidad na nakatuon sa serbisyo.