General Meeting para sa buwan ng Marso, isinagawa sa PCMDC

Sa pangunguna ni MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Macapaar, isinagawa ang general meeting ng opisina, Marso 6, 2023.

Pinagusapan sa pagpupulong ang ‘preparasyon para sa paparating na inspeksyon ng mga training areas, mga kaganapan sa ManCom, idaraos na graduation at iba pang mga aktibidad.’

Patuloy na ginagawa ni Chief Macapaar ang kanyang makakaya upang makapaghatid ng kalidad na serbisyo para sa mga mamamayan ng buong Lanao del Sur. Sinisiguro din nito na nagagampanan ng bawat empleyado ang kani-kanilang tungkulin para lalo pang mapabuti ang PCMDC.

#GanapSaPCMDC #OneMBHTE #MoralGovernance #NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *