21st Century Skills Orientation and Workshop isinagawa ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office

Upang mas mapabuti pa ang mga isinasagawang proseso ng mga stakeholders sa ilalim ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office sa paghahatid ng kalidad na kasanayan ay nagkaroon ng Orientation Workshop sa Cotabato City noong March 19, 2023.

Ang mga kabilang na kalahok ay mga TVIs, TESD Staff at Employees kung saan naging tagapagsalita si Ferdinand S. De Roma sa nasabing programa. Isa sa mga naging layon ng pagpupulong ay ang pagsali ng work readiness modules sa lahat ng TESDA TR o Training Regulations.

Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang mas mapabilis at maiangat pa ang pagbibigay ng kalidad na kasanayan at serbisyo sa lahat ng mamamayan.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind #OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *