1,000 Trainees nakatanggap ng TSF Allowance sa ilalim ng TWSP

Pagkatapos ng pagsasanay ng mga Trainees mula sa iba’t ibang TVIs o Technical Vocational Institutes ay ipinamahagi na ang kanilang Training Support Fund allowance sa ilalim ng TWSP o Training for Work Scholarship Program. Isinagawa ang pamamahagi sa Talayan, Maguindanao noong March 18, 2023.

Ang mga nagtapos ay nagsanay ng Electrical Installation & Management NC II, Dressmaking NC II, Driving NC II, Carpentry NC II, Cookery NC II, Bread and Pastry Production NC II, Masonry NC II, Agricultural Crops Production NC II, Organic Agricultural Production NC II, Pest Management NC II, Plumbing NC II, at Shielded Metal Arc Welding NC II.

Ang mga nagsanay ay kabilang sa TVI ng Foureych Technical Vocational and Learning Center, Inc., Ittihadun Nisa Foundation, Lamalan Balis Flash Image Learning Center, Inc., Darussalam Institute of Technology, Inc., Mamasapano Technical Vocational Education and Training Center, Inc.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nagtapos sapagkat hindi lamang sila nagkaroon ng panibagong kaalaman at kasanayan, nagkaroon din sila ng benepisyo na kanilang magagamit sa pagsisimula ng maliit na negosyo.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind #OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *