Dalawampu’t limang (25) PESFA scholars, isinailalim ng PCMDC sa National Competency Assessment
Muling nagsagawa ng National Competency Assessment ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center para sa 25 Trainees ng Marawi Skills Training and Assessment Center Skills Cooperative, sa ilalim ng Private Education Student Financial Assistance o PESFA, na ginanap mula Marso 29 hanggang 31, 2023.
Ang PESFA ay isang programa na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga marginalized ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral sa post-secondary non-degree na mga kurso; isulong ang TVET; mag-ambag sa pagbuo ng isang karampatang skilled workforce; at tulungan ang mga pribadong institusyon sa kanilang mga pagsisikap sa pagpapaunlad sa pamamagitan ng pagtiyak ng tuluy-tuloy na supply ng enrollees sa kanilang mga alok na kurso.
Ang Assessor ng nasabing pagtatasa ay si Basher Bagonte, isa sa mga Trainers/Assessors ng PCMDC.
#GanapSaPCMDC #PESFAscholars #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnerLeftBehind